Sunday, May 22, 2011

silk 2.0

(written on January 2007, lifted from my other blog.)

summer ng May 2003 nung nangyari ito.  summer ng 2nd year college.  nasa bahay ako.  wala si manang, yung aming kasambahay, day off niya.  so ako na lang ang nagluto para sa aming magkapatid.  di naman pang-professional ang level ko sa pagluluto pero nakakain naman yung mga niluluto ko, so pwede na din.  medyo may mantika na sa kamay ko nung tinangka kong kunin ang bote ng asin.  nadulas mula sa kamay ko yung bote, nabasag sa kitchen counter at nagkalat ang mga bubog.  teka, ba't may kasamang pula?  dugo pala yun, nahiwa pala ang hypothenar aspect ng kanang kamay ko.  medyo mahaba yung sugat.  dali-dali akong tumawag sa mommy ko para sabihin ang nangyari.  pumunta daw ako sa clinic.  ilang sandali pa ay may bumusina sa labas.  nandyan na ang driver ng tita, dadalhin daw ako sa clinic.

sa clinic tiningnan ng naka-duty na doktor ang sugat ko.  nilinis ang sugat, nilagyan ng betadine para ma-disinfect.  tapos bigla niyang sinabi na kelangan daw tahiin ang sugat ko.  syet.  so eto na, tinurukan ng anesthesia tapos tinahi.  masakit din pala.  all-in-all mga 7 stitches din ang inabot.  maganda naman yung pagkakatahi.  kahit parang zigzag ang korte ng sugat ko eh nagawa naman niyang mahabol ng tahi.  after 10 days, tinanggal na yung sutures ko.

bakit ko ba ito nakuwento?  ngayong nasa med school na ako eh madami na akong natahing sugat sa kamay.  at sa paa.  at sa ulo.  at sa mukha.  pero nung unang beses ko ito gagawin, syet sobrang takot ako.  junior intern (medical clerk kung sa ibang hospital) ako nun.  paano kung pangit ang pagkakagawa?  pano kung tabingi yung tahi?  naaalala ko yung unang beses na yun.  takot na takot on the inside pero calm and collected on the outside.  form before function daw.  pero halata mo pa din na may takot.  eh ang lakas ba naman manginig ng kamay ko habang nagtuturok ng anesthesia at habang nagtatahi.  pero naging maayos naman ang pagkakatahi, down to the very last suture.  naging confident na ako mgtahi pagkatapos nun, madami na akong natahi pagkatapos.  suture sa OR, suture sa clinic, pati nga pagtahi ng bagong panganak eh nagawa ko na.

ang galing din ng nakaimbento ng surgery, pati na din ang mga gamit sa pagtahi ng sugat.  kahit nasugatan ka, gaano man kalalim ang sugat eh natatahi pa din.  gumagaling ang sugat.  pero yung nga lang, nag-iiwan ng marka, ng peklat (malas kung keloid former).  alam mong may nangyari, may pinagdaanan.  parang heartache.  pag nasaktan ka, masusugatan ka, minsan madudurog pa ang puso.  pero in time, naghihilom din ang sugat.  parang tinahi ang nagpira-pirasong puso.  pero may maiiwang marka, may maiiwang peklat.  tanda na may pinagdaanan.

nasa ER ako ngayon (may internet dito hehe!).  may dumating na pasyente, nahiwa yung kamay.

"(tawag sa nurse aid) suture set nga po.  pahingi ng silk 2.0!"

No comments:

Post a Comment