Monday, August 20, 2012

Mech Vent

July 17, 2006
1:40am
sa loob ng CCU ng uerm

tahimik lahat.  tulog na ang mga pasyente.  wow benign sa ccu.  wala akong magawa.  sa mga ganitong pagkakataon madalas lumipad ang aking isipan.  napapaisip ako ng kung anu-ano.  "is the world round?"  joke lang.  seryoso na.  napaisip ako kung ano itong ginagawa ko.

syet alarm ng mech vent.
(tayo sandali, suction ng endotracheal tube)

minsan na ring sumagi sa isipan ko ang tanong na "bakit ba ako nag-med?"
noong bata pa ako, engineer talaga ang gusto kong kunin.  ika nga nila, like father like son.  eh pucha, marami palang math sa engineering.  sa lahat nga ayaw ko, eh yung math.  bakit di na lang architecture o fine arts?  mahilig naman ako mag-drawing.  pwede.  pero bakit med?

nagustuhan ko kasi yung idea na astig ang itsura ng doktor.  may nakasabit na stethoscope na mamahalin, na tipong gamitin lang sa pasyente eh alam mo na yung diperensya sa kanya.  tapos nakasuot ng puting coat.  maangas.  and of course, i want to help others.  idealistic.  eto lang masasabi ko sa sarili ko ngayon: tanga.

ang hirap pala ng pinasok ko.  from 1st year to 3rd year pukpok sa aral.  foundation daw ito para sa oras na tumapak na ako sa ospital.  tapos nung 4th year (medical clerkship o junior intern kung tawagin sa ue) wasakan.  duty every other day.  kami lang ata ang med school na ganito.  di birong trabaho.  doctor-in-the-making ka na, minsan sideline pa ng trabaho ng nurse at nurse aide (no offense sa nurses at nurse aides).  taga-gawa ka na ng sandamukmok na paperworks ng pasyente, ikaw pa din ang taga-monitor, pati ba naman pagtakal ng ihi at pagtimbang ng diapers eh trabaho mo pa din.  tapos sobrang bangag ka na sa dami ng trabaho na di mo na magawang mag-aral pa.  biglang may rounds, tapos di ka makasagot dahil nga di ka na nakapag-aral.  napagalitan ka na, may sp ka pa.  wow.  one hell year.

ngayon senior intern (post-grad intern sa labas) na ako.  more responsibilities.  dahil ngayon ang turing na sa akin doktor na talaga.  may degree na nga naman ako, wala nga lang lisensya.  pero kahit na, tingin ng lahat sayo - mapa-nurses, residents, pati consultants, and especially the patients - doktor ka na.  bigat.  eto na yung pinangarap ko simula't sapul.  may MD na sa ID ko.  nakasuot na rin ako ng white coat.  bakit lost pa din ako?  bakit ba ako nag-med.

alarm ng mech vent, syet.

after 10 minutes, eto na uli ako.  galing ako sa cubicle ni mommy catherine.  naoperahan siya nung isang araw.  dumating siya na parang wala ng pag-asa ang lagay niya.  ngayon gising na at nagpipilit na tanggalin ang kanyang et.  sa tapat ko kita ko si daddy pedro.  wala si mommy, yung asawa niya.  umuwi, nagpahinga.  nangako nga pala akong sa cubicle niya ako tatambay, ako ang bantay niya ngayong gabi.
bakit ako nag-med?

kasi ito ang nakita kong paraan na sa tingin ko makakatulong ako.  no stir.

(anak ng tinapa.  yung title ko pang maalaala mo kaya haha!)

No comments:

Post a Comment